6-PEAT SA ATENEO TANKERS

Ateneo Swimming

LOS BAÑOS, Laguna – NAPALAWIG ng Ateneo de Manila University ang paghahari sa  UAAP men’s swimming makaraang gumawa ng pambihirang turnaround at  maunahan ang erstwhile leader De La Salle University noong Linggo sa Trace Aquatics Center dito.

Nadagit ng Blue Eagles ang kanilang ika-6 na sunod na kampeonato sa men’s swimming.

Sa kabila ng pagkawala nina key cogs Jessie Lacuna at Aldo Batungbacal dahil sa graduation ay napigilan ng Blue Eagles ang DLSU sa paglayo sa unang tatlong araw ng kumpetisyon bago nanalasa sa ika-4 na araw upang tangha­ling kampeon na may kabuuang 353 points, 10 points lamang ang bentahe sa  La Salle (343).  Pumangatlo ang University of Santo Tomas (UST) na may 322 points, kasunod ang University of the Philippines (UP) na may 193 points sa ika-4 na puwesto.

“It was really one of our best championships. Sobrang daming naging roadblocks talaga, not just our MVPs graduating, but also mayroon kaming  swimmer na nagka-appendicitis, mayroong went into depression, and other problems na for a time we almost lost that belief na we could still win,” wika ni Ateneo swimming program director Archie Lim.

Nanguna si ­Ianiko Limfilipino para sa ­Ateneo na may 17:27.56 sa 1500m freestyle upang maiuwi ang gold medal. Nanorpresa si Antoine Mendoza ng La Salle sa kanyang silver medal finish sa 17:30.91, habang pumangatlo si Keane Ting ng UP sa 17:36.54.

Bagama’t umaasa ang lahat na lalangoy at mananalo si Limfilipino sa 200m breaststroke, isinakripisyo niya ang nasabing event upang mas matulungan ang kanyang koponan sa 200m butterfly kung saan tumapos siya sa 2:13.51 at sa all-important third place.

Ang paboritong magwawagi sa 200m butterfly ay si La Salle ace Sacho Ilustre na hindi binigo ang kanyang koponan sa pagtala ng 2:05.65 tungo sa kanyang ika-7 gold medal. Kinuha ni Reynald Cullentas ng UST ang silver sa 2:12.50.

Nadominahan din ng La Salle ang  200m breaststroke kung saan nangibabaw ang kanilang rookie na si EJ Jayme (2:27.31) laban kina Ateneo rookie Jiron Rotoni (2:27.89) at UST’s Dyrham Palfry (2:27.92).

Comments are closed.