6 PINOY LIFTERS SASALANG SA OLYMPIC QUALIFYING

Hidilyn Diaz

ANIM na lifters, sa pangunguna ni Brazil Olympic silver medalist at Asian Games at World Weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz, ang lalahok sa Olympic qualifying na gagawin sa iba’t ibang bansa.

Bukod kay Diaz, ang iba pang lifters ay sina Asian Games at ASEAN Weightlifting medalist Nestor Colonia, Mary Flor Diaz, Kristel Macrohon, Erleen Ann Ando, at Jihn Fabuar Ceniza.

Si Macrohon ay nanalo ng ginto sa nakaraang Southeast Asian Games na ginanap sa bansa, si Rosegie Ramos ay tanso at si Dessa de los Santos ay nagwagi ng tatlong pilak sa snatch, clean and jerk sa 53kg.

Sina De los Santos, Macrohon, Ramos at Rivera ay medalists sa nakaraang Batang Pinoy na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Umaasa si weightlifting vice president Prof. Elbert Atilano, dati ring lifter at coach, na makalulusot ang mga aspirants sa una nilang paglahok sa qualifying.

“Let’s pray they will survive and pass the qualifying,” sabi ni Atlano.

Si Diaz ay halos nakasisiguro na makapaglaro sa Tokyo Olympics kung saan kailangan na lamang ng 29-anyos na Zamboanguena na lumahok sa huling qualifying. CLYDE MARIANO

Comments are closed.