MADRID – ANIM na Filipino ang nasawi nang dapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Spain, ayon sa Philippine Embassy in Madrid.
Sa televised briefing doon, sinabi ni Consul General Adrian Elmer Cruz na ang 82 Filipinos ay posibleng suspected o confirmed virus infected habang kabilang sa sa nasabing bilang ang 32 recoveries at anim ang namatay.
Dagdag pa ni Cruz, tinulungan ng embassy ang repatriation ng 925 Filipino seafarers.
Sa record, ang Spain ay nakapagtala ng mahigit 200,000 cases, at nagsimula na ring lumuwag ang restrictions noong Mayo nang bumaba ang bilang ng fatalities.
Tiniyak naman ng Spanish government na mananatili ang national state of emergency hanggang Hunyo 21. PM Reportorial Team
Comments are closed.