CAMP CRAME-UMAABOT na nsa 65 na mga pulis ang nagpositibo sa coronavirus Ddsease (COVID-19 )matapos na magpositibo ang anim pang pulis sa virus.
Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac batay na rin sa update ng PNP Health Service.
Ang anim na pulis na positibo sa virus ay ang dalawang 36-anyos na pulis, dalawang 29
-anyos, isang 47 anyos at isang 33- anyos na mga pulis na mga nakatalaga sa Metro Manila.
Sa datos, 501 na mga pulis naman ay suspected Persons Under Investigation at 51 ay probable Persons Under Investigation dahil pa rin sa COVI-19.
Naka-admit naman ospital ang 40 mga pulis dahil pa rin sa nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19, habang 14 ay naka-home quarantine.
Nanatili naman sa walo ang nakarekober sa sakit at tatlo ang namamatay. REA SARMIENTO
Comments are closed.