ANIM na pulis pa ang nadagdag sa bilang ng aktibong kaso ng COVID-19, ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP).
Dahil sa bagong infections umabot na sa 48,750 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa police force habang 166 na lamang ang aktibong kaso kasunod ng paggaling ng 42 iba pa.
Pumalo naman sa 48,456 ang total recoveries habang nananatili sa 128 ang mga namatay na ang pinakahuli ay noong Pebrero 1.
Umabot na sa 107,889 na pulis ang tumanggap na ng booster shot; 219,632 cops naman ang fully vaccinated habang 4,452 ang naghihintay ng ikalawang dose.
Nasa 791 pulis pa ang hindi nababakunahan dahil 398 sa kanila ay mayroong medical condition habang 393 ay nananatiling hesistant. EUNICE CELARIO