ANIM na pulis na pawang miyembro ng Police Sub-Station 10 ng Pasay City police ang inaresto at sinibak sa kanilang puwesto makaraang pakawalan ang hinuling motoristang Chinese national na walang lisensiya nito lamang nakaraang Linggo.
Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major Gen. Vicente Danao ang mga pulis na inaresto na sina Major Crisanto Racoma, Lt. Noelson Garcera, SSgtJohnvir Tagaca, Cpls. Jayson Lunas, Jerson Bauzon at Christian Cadingan, pawang mga nakatalaga sa Pasay City Sub-Station 10 sa Mall of Asia (MOA).
Ang mga nasangkot na pulis sa umano’y ilegal na gawain ay inilipat sa Pasay City Police Admin Holding Area (PCPAHA) kung saan iniutos ni Pasay police chief Colonel Cesar Paday-os ang pagkumpiska ng kanilang mga service firearms.
Sinabi ni Paday-os, nalaman lamang niya ang pangyayari sa pamamagitan ng mensahe sa text sa kanya ni Danao tungkol sa kinasangkutan ng kanyang mga tauhan.
Ayon kay Paday-os nang malaman nito ang pangyayari ay agad niyang ipinatawag ang mga nasangkot na pulis sa kanyang tanggapan kung saan sila inaresto sa pagkakasangkot sa illegal na gawain.
Base sa nakalap na report na nanggaling sa NCRPO, noong Oktubre 2 ay nagsasagawa ng Oplan Sita ang anim na nasabing na pulis kung saan nasita nila ang isang Chinese national dahil sa pagmamaneho ng walang kaukulang lisensiya.
Sa isinagawang inspeksyon ng mga pulis sa Ford Mustang na minamaneho ng Chinese national ay nadiskubre ng mga ito ang isang roni kit para sa isang baril, ilang bala ng .9mm kalibre pistola gayundin ang mga personal pang gamit ng Intsik na Rolex watch, cellular phones, laptop at pera.
Makaraan ang isinagawang inspeksyon sa sasakyan ng Chinese national ay inisyuhan lamang ito ng mga pulis ng official violation receipt (OVR) at tsaka pinakawalan.
Sa hindi pa malamang dahilan ay wala man lamang isinampang kasong illegal possession of ammunition laban sa Chinese national na kanilang sinita.
Sinabi pa ni Paday-os na ang mga pulis na nasangkot sa illegal na gawain ay sasampahan ng kasong criminal na obstruction of justice sa Pasay City Prosecutor’s Office. MARIVIC FERNANDEZ
334425 326668I enjoy, cause I discovered just what I used to be having a look for. 805084
834576 572705This really is sensible info! Exactly where else will if ind out much more?? Who runs this joint too? sustain the good function 647778
230929 191717There is evidently a whole lot to know about this. I consider you made certain good points in functions also. 444614
999658 836700Hey I was just seeking at your website in Firefox and the image at the top of the link cant show up appropriately. Just thought I would let you know. 181131