CAMARINES SUR –KINUWESTIYON ng Philippine National Police (PNP) ang sinseridad ng New People’s Army (NPA) hinggil sa usaping pangkapayapaan makaraang anim na pulis na kasama sa humanitarian mission ang nasugatan nang tambangan ng mga rebelde sa bayan ng Libmanan.
Dahil dito, kinondena ng PNP ang kabangisan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) laban sa tropa ng pamahalaan.
Nasa medical-dental civic action operations ang anim na pulis nang masabugan ang mga ito ng landmine sa Sitio Patag, Brgy. Mambulo Nuevo.
“This attack is another example of either duplicity or lack of influence of Utrecht-based CPP/NPA/NDF leaders who shamelessly ask for a meeting with PRRD while carrying out terror attacks against security forces personnel helping less fortunate Filipinos,” pagsasalarawan ni PNP Spokesperson, Chief Supt. Benigno B Durana Jr.
Pinaniniwalaan din na wala nang kontrol ang CPP/NPA leadership sa kanilang mga guerrilla front.
Ang mga pulis na bahagi ng 1st Camarines Sur Provincial Mobile Force Company na patungo sa Libman-an para sa medical mission ay sina PO3 Roland Hermogeno; PO1 Vladimir Guadalupe; PO1 Roy V Car-bonell; PO1 Eliseo Jomar Palaroan; PO1 Daisy Bhel Genova at PO1 Mikhail Jose P Concina na isinugod sa Mother Seton Hospital sa Naga City para lunasan. EC
Comments are closed.