CAVITE – ISA katao ang nasawi habang 19 ang sugatan makaraang suyurin ng 6-wheeler truck ang anim na sasakyan sa Governors Driver sa bahagi ng Barangay Mabuhay, bayan ng Carmona.
Namatay bandang alas-4 ng hapon habang ginagamot sa Perpetual Medical center ang biktimang si Jennifer Castillon, 30, ng Brgy. Milagrosa, Carmona, Cavite.
Samantala, sugatang ginagamot sa pagamutan Bayan ng Carmona ang iba pang biktima na sina Antonino Braza Durano, 39, may-asawa, ng Brgy. Dela Paz, Pasig City, driver ng Hino aluminum van (DZF- 8188); Bonifacio R. Baguisa Jr, 49, ng Brgy. Milagrosa Carmona, driver ng passenger Jeepney (DXF 428); at mga pasahero na sina Joana Faller, 18, ng Phase 6 B13 L66 Carmona Estates, Brgy. Lantic, Carmona; Mark Angelo Sarmienta, 19, ng Brgy. Lantic, Carmona; Lars Madula, 17, ng San Pedro, Laguna; Darwin Joy Ubaldo, 20, ng Brgy. San Francisco; Conchita Valdez, 62, ng Phase 3 Brgy. Milagrosa, Carmona, Cavite; at si Angelika De Venecia, 24, ng Brgy. Salud, G.M.A, Cavite.
Sugatan din sina Albert Flores, 29, ng Phase 2, Brgy. Milagrosa, Carmona; Dennis Danglong, 33, ng Marvics Drive, Brgy. Balingasa, Quezon City; Ronald Balaso, 25, ng Brgy. Balingasa, Quezon City; Aldrin Dangling ng Brgy. Balingasa, Quezon City; Joana Paulma, 31, ng Cedar 3, Brgy. Lantic, Carmona; Juanito Paulma, 37, ng San Pedro, Laguna; Ella Mae Flores, 26, ng Phase 4, Brgy. Milagrosa, Carmona; Allysa Sevillo,19, ng Phase 3, Brgy. Milagrosa, Carmona; Rico Diola, 53; Charmaine Ubaldo, 33; Alejo Bue, male, 7; John Castillo, 5; Ericka Layugan, 9; at si Darlene Obaldo, 24, pawang nakatira sa Carmona, Cavite.
Base sa ulat ni Patrolman Emerson Busto na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, kabilang sa mga sasakyang inararo ng trak na minamaneho ni Obrique ay ang kulay pulang Toyota Innova (A5 Y061); motorsiklo na walang plaka; Mitsubishi Mirage (UJC 492); Izusu D-Mux (ASA 72148); PNP patrol car Toyota Hilux na may conduction sticker WA 3787; at ang SUV na Honda Civic (UOJ 467).
Nasa detention facility ng pulisya at nahaharap sa kasong kriminal ang driver ng trak (WMS 400) na si Ronnie Obrique y Batu-ta, 29, ng Brgy. Balingasa.
Base sa police report, bandang alas-10 ng umaga nang mawalan ng preno ang 6-wheeler truck na kargado ng scrap papers ni Obrique kaya inararo nito ang aluminum van at motorsiklo, pagsapit sa intersection ng Southwood ay sinuyod naman ng trak ang iba pang sasakyan.
Kaagad naman rumesponde ang mga awtoridad kung saan naisugod sa mga nabanggit na pagamutan ang mga biktimang nasugatan subalit namatay habang ginagamot ang biktimang si Castillon. MHAR BASCO
Comments are closed.