6 SEATER PLANE BUMAGSAK, 6 PILOT STUDENTS SUGATAN

ZAMBALES-ISANG light-twin piston-engined aircraft ang bumagsak sa dagat na may lulan na anim na pilot students habang nagsasagawa ng test plight kahapon ng umaga sa Barangay Sto. Rosario, Iba sa lalawigang ito.

Sa inisyal na ulat ng PNP-Maritime Group, sugatan ang anim na estudyanteng sakay ng isang Rockwell Commander 685 or Aero Commander 685 aircraft nang bumagsak sa tubig may 500 metro ang layo mula sa dalampasigan ng Purok 3, Barangay Sto. Rosario, Iba, Zambales bandang alas-7:10 kahapon ng umaga .

Sakay ng rubber boat nirespondehan ng local police at Philippine Coast Guard ang mga biktima na kinilalang sina Captain Florencio Ruiz; Captain Jamel Reamon; Captain Albrench Sagario; Captain Ian Vincent Agdamag; Captain Robin Austria at Captain Carmelita Bidayan na siyang nagpapalipad ng eroplano.

Mabilis din nadala sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital ang mga biktima para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang sanhi ng pagbagsak ang aircraft pero “mechanical failure” ang itinuturong dahilan ng piloto sa aksidente.

Nabatid na agad din tinungo ng CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) investigators ang lugar para siyasatin ang insidente na kinasasangkutan ng aircraft na pag aari ng Sentinel Logistic Air Management. VERLIN RUIZ