MAHIGIT nang isang taon na nakakulong tayo sa ating mga tahanan o kaya naman ay limitado ang kilos sa labas dahil nga panahon pa rin ng kuwarantina bunsod ng pananalasa
Ang dami nang reklamo na paano pa mabubuhay kung ganitong may oras ang trabaho sa labas.
Awat na sa reklamo sa halip tanggapin na lamang na ito na ang new normal.
Kung tutuusin hindi pa naman tayo sagad, nasanay lang ang ibang negosyante na malaki ang kita dahil sa halos 24 oras na bukas ang kanilang negosyo.
Kung tutuusin, tama ang sinasabi ng mga ekonomista na ang Filipino ay sadyang adaptable at mabilis na makagawa ng paraan upang makarekober kahit ano pa ang sitwasyon.
At iyan ang ating tatalakayin ngayon, may mga tiyansa bang maging milyonaryo kahit ngayong pandemya?
Buweno narito ang ilang senyales na maaari kang yumaman kahit pa limitado ang panahon sa pagnenegosyo at paglabas.
- Una, dapat isa kang problem-solver. Nangangahulugan ito na kaya mong remedyohan ang anomang problemang pinansiyal na kinakaharap.
Halimbawa nga nito, kung nahinto ka sa pagtatrabaho dahil sa pandemya, agad kang nakakaisip ng pagkakakitaan. Paano?
Sa lugar ninyo, alamin kung ano ang madalas bilhin o pangangailangan ng kapitbahay. Puwedeng yelo, bigas o meryenda na akma ngayong summer.
- Mabilis makakita ng oportunidad. Kasabay ng kuwarantina ay ang blended learning na ipinatupad ng Department of Education. At dahil ikaw ay natigil sa bahay mula sa dati mong trabaho sa opisina, gamay mo na rin ang ilang kagamitam sa iyong pinapasukan gaya ng computer o laptop at printer. Nasabi ko iyan dahil maaari kang magsimula ng hanapbuhay mula sa mga bagay na alam mo na. Dahil online class na, nangangailangan ang mga bata ng mga modules at iyon ang isa sa maaari mong pagkakitaan.
Sa halip kasi na maghanap ng printer ang iyong kapitbahay, bakit hindi mo ialok ang sarili mong printer? Nakatulong ka na, kumita ka pa.
Isa pa na maaaring pagkakitaan ay ang typing job sa mga project ng mga bata. Dahil gamay mo na ang pagtitipa, maaari mong ialok ang iyong serbisyo o kaya naman ay magturo ng sariling skills.
- Transportasyon. Kung ikaw ay may sasakyan puwede mo itong ipaarkila para sa mga emergency purposes. O kaya naman kung ikaw ay lalabas, maaaring sumabay sa iyo ang kapitbahay na ‘essential’.
Gamitin ang iyong sasakyan ng may mga pakinabang kasabay na rin ng pagtulong sa kapwa.
- PasaBuy- Sa panahon ng pandemya ay sadyang limitado ang paglabas ng mga tao. Dahil ikaw ay may kakayahang makalabas gamit ang iyong sasakyan, maaaring mag-alok ng pasa-buy o kung ikaw ay mamimili, maaari kang magtanong sa kapitbahay na kung ano ang kai2langan nila para isabay na sa iyong pamimili na may kaunting talent fee. Kumbaga, dagdag pa-gas o pamasahe.
- Pakinabangan ang pagiging PlanTita mo. Dahil mas marami kang panahon sa paghahalaman at napalago mo, bakit hindi ibenta ang sobra? Kaysa mapuno ng halaman ang iyong bakuran at mapabayaan lang bandang huli, pagkakitaan mo na lang. Naeengganyo ka nang paramihin ito, kumikita ka pa.
- Huwag baguhin ang lifestyle. Kung ikaw ay medyo nakaluluwag na kahit pa pandemya, manatili pa rin ang natutunang pagtitipid. Maging aral ang mahigit isang taong kuwarantina na nabuhay nang simple. Hindi dahil epektibo ang una hanggang limang tips na ito at naibalik mo sa dati ang rami ng iyong pera ay magiging maluho ka na, dapat ganoon pa rin. Sa halip dagdagan mo pa ang pagkakakitaan hanggang sa maparami mo ito. Tandaan ang naging aral ng enhanced community quarantine, ang kumilos para lamang sa kailangan, ang kumain para mabusog at magpahinga ng bongga.
Kung iyong masusunod ang anim na nabanggit na tips, walang pasubali, magiging milyonaryo ka!
703053 715312Some times its a pain in the ass to read what weblog owners wrote but this site is really user friendly ! . 193201
893424 249449 warning Dont any of you folks ever take me to CiCis pizza! There food looks offensive!|Urban_Elegance| 352837
334692 401283you use a great weblog here! do you wish to earn some invite posts on my small blog? 239890
555021 285543I was recommended this internet website by my cousin. Im not confident whether this post is written by him as nobody else know such detailed about my trouble. Youre wonderful! Thanks! 762062
350414 882016Hi! I discovered your website accidentally today, but am truly pleased that we did! Its not only entertaining, but in addition straightforward to make use of in contrast to lots that Ive viewed! 357211