6 SHABU COURIER ARESTADO SA DRUG BUST

SHABU-5

CAVITE – Anim-katao na sinasabing nasa drug watchlist bilang shabu courier ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya at PDEA-4A sa isinagawang anti-drug operation sa bahagi ng California Homes Subd. sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite kahapon ng madaling araw.

Isinailalim sa tactical interrogation bago pormal na kasuhan ang mga suspek na sina Hercules “Panaot” Samson y Dacanay, 57; Jose Reyes y Torres, 23, ng Brgy. San Jose 1, Noveleta, Cavite; Joel De Quiroz y Del Rosario, 43, ng Brgy. Bagong Silang, Imus City; Carmen Dela Cruz y Samson, 34; Carmelita Samson y Benavidez, 57; at si Alvin Quintana y Felicia, 34.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, 26 at Section 11 Art 2 ng RA 9165 ang mga suspek na nakumpiskahan ng 10 plastic sachets na shabu, scooter na itim na may plakang DC39827 at P500 marked money na ginamit ng pulisya sa anti-drug operation.

Isinailalim sa medical at physical examination ang mga suspek bago dalhin sa police detention center habang pina-chemical analysis naman ang nasamsam na shabu bilang karagdagang ebidensya sa kasong paglabag sa RA 9165.  MHAR BASCO

Comments are closed.