6 STEPS TO START A TRANSLATION BUSINESS PERFECTLY

MARAMING nangangailangan ng translators at translation services dahil sa globalization at sa dumaraming bilang ng tao sa mundo. But this is not a job for me, dahil ang alam ko lang na languages ay Filipino, English at dialect na Kapampangan. Marunong din ako ng konting Spanish, pero hindi sapat ito para sa negosyong gusto ko. Yet, kung may kakaiba kayong talino sa languages, para sa inyo ang negosyong ito.

Kung may fluency kayo sa pagsasalita at pagsusulat ng foreign languages, magagamit mo ang kaalamang ito sa pagsisimula ng translation service business.

Ang mga basic langu­ages na kailangan ninyong malaman ay French, Spa­nish, German, Chinese, Nippongo, Korean etc. Kung may kaalaman kayo dito, madaling madali kayong makapagsimula ng home-based translation service business.

Heto ang mga steps upang magsimula ng Online Translation Service.

o             Experience – Karanasan sa languages. Hindi pwedeng konti lang ang alam mo, dapat fluent ka. At least, may alam kang apat na languages na kayang kaya mong salitain at sulatin.

o             Alamin ang gusto mo – mag-set ka ng limit. Kung Spanish, French at German lang ang alam mo, e di doon ka lang. Huwag kang tumang­gap ng iba pang lenggwahe.

o             Magtakda ng kaukulang singil – per sentence ba o per word ang singil mo, o per page. Usually, per page.

o             Mag-set ka ng webpage – mas mabuti kung may webpage para madali kayong makilala

o             Marketing – madali na ngayon ang marketing dahil sa social media kaya huwag kayong mag-alala.

o             Iba pang sources – si Mr. Google ang kailangan dito. Why not, choc nut?

Kung proficient ka sa isa o dalawang foreign languages, madali nang magsimula ng negosyo na maliit lamang ang investment costs. Kung tingin mo, kulang pa ang iyong kaalaman, pwede ka namang magsanay muna sa mga linro at online articles.

Kung wala ka pang alam na foreign language liban sa Filipino at English, kumuha ka ng certified training program in a foreign language na mapipili mo. Halimbawa, Alliance France sa French, Instituto Cervantes sa Spanish, o Goethe Institut kung German. Kumuha ka rin ng seminars na related sa translation. Pwede ring kumuha ka ng professional translators para mas maganda ang performance ng negosyo mo.

Kapag napili mo na ang mga languages na gusto mong i-translate, ready to go na. Mas mabuti kung dalawa o tatlong languages muna ang pagtuunan ninyo ng pansin. Hanapin sa internet kung anong languages ang po­pular at mabilis na lumalaganap sa buong mundo.

Mandarin Chinese, Spanish, Arabic ang pinaka-widely spoken langu­ages ngayon sa buong mundo. Mag-research at hanapin kung ano ang demand nito sa translation services sa inyong lugar pati na ang mga makakalaban ninyong translators.

Malaki ang target market ninyo. Kasama dito ang legal, commercial, medical interpretation at translation. Target din ang mga estudyanteng gustong mag-aral sa abroad at ang mga interesadong matuto ng foreign language para sa kanilang career. Magiging interesado rin dito ang tourism sector.

Depende ang singil sa kung saang lugar ka magtatayo ng negosyo. At kung aano mo ito katagal ita-translate. Mag-researh kung magkano ang sisingilin nyong professional interpretation fees. Sa simula, sumingil muna kayo ng medyo mura, pero unti-unti ninyong taasan.

Mag-set ng sariling professional website para ipaalam ang lahat ng inyong relevant information tungkol sa inyong negosyo.

Kailangan ninyo ng internet para mai-marketing ang inyong services. Pwede ring gumamit ng classified ads. Magpa-register ng webpage sa business directories na may kinalaman sa translation services. Mag-offer discounts at bonuses.

Syanga pala, matutong maghintay at magpasensya. Ganyan talaga ang negosyo – minsan, mabenta, minsan matumal. Tandaan, ang nagwawagi at hindi umaayaw at ang umaayaw ay hindi nagwawagi.