MAGUINDANAO – SISIYASATIN ng mga awtoridad ang naganap pagbagsak ng mga bala ng mortar sa kabahayan na ikinasugat ng anim katao sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga biktima na sina Hamdan Kusain, Mama Nano, Haris Abdulkasim, isang pang babae at dalawang bata na edad na anim at walo na tinamaan ng sharpnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa mortar shelling.
Ayon kay Datu Salibo chief of police Capt. Abdulbasit Kulod, bago umano nabagsakan ng mortar ang bahay ng mga biktima ay inatake ng ilang armadong BIFF ang detachment ng militar sa Zsopad Sambulawan at pinaputukan ng granade launcher.
Nagpalitan ng putok ang mga sundalo at BIFF kung saan tinamaan ang mga biktima ng mga sumabog na bala ng mortar na bumagsak sa kanilang mga tahanan.
Dinala ang mga sugatan sa Maguindanao Provincial Hospital at Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.
Comments are closed.