LANAO DEL NORTE- HINDI nilulubayan ng Philippine Army -1st Infantry “Tabak” Division ang ginagawang pagtugis sa grupo ng mga tumatakas na kasapi ng Dawlah Islamiya-Maute Terror Group na kanilang nakasagupa nitong nakalipas na Linggo na ikinasawi ng anim na sundalo at ikinasugat ng apat na iba pa sa Munai sa lalawigang ito.
Mismong si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner ang nagsabing tuloy tuloy ang kanilang pursuit operations laban sa Dawlah Islamiyah-Maute Group at 18 ng terorista ang kanilang napapatay sa hanay ng mga responsable sa pagpapasabog sa Mindanao State University noong nakalipas na taon.
“Our operations have been successful so far and have resulted in the neutralization of 18 DI-MG members including @Engineer who masterminded the attack on innocent civilians. In continuation of this effort,an operation was launched last February 18 resulting to 3 more dead among the enemy and several others wounded based on intelligence information, ” ani Brawner.
“However, six of our valiant soldiers paid the ultimate sacrifice while another four were wounded.
The wounded were already evacuated to Camp Evangelista Station Hospital,” dagdag pa ng Heneral.
Ayon kay 1st Infantry “Tabak” Division Commander MGen Gabriel Viray III, tatlong kasapi Daulah Islamiyah ang kumpirmadong napaslang at isa rito ang na-recover ng mga tauhan ng Army 44th Infantry Battalion , Army 7SRC, at 8SRC malapit sa encounter site matapos na abandonahin ng mga tumatakas na terorista.
Ani Viray, kabilang sa 18 napatay ng military troops ang tinaguriang “engineer” na sinasabing “mastermind” sa MSU bombing sa Marawi na ikinamatay ng apat at ikinasugat ng 40 katao. VERLIN RUIZ