BENGUET- Nahaharap sa kasong falsification of document at paglabag RA 11332 ang anim-katao matapos madiskubreng peke ang resulta ng kanilang RT PCR test sa Baguio City noong Sabado.
Kasalukuyang minomonitor ang mga sa isolation facility ang mga inaresto na nasa edad 21 hanggang 31 mula sa Bulacan, Quezon City, Bukidnon, Cavite, at Zamboanga City.
Nagpakita ng swab test sa checkpoint ang anim subalit isinailalim sa imbestigasyon ng pulisya kung saan dinala sa Baguio City Convention Center Triage Facility.
Gayunman, lumabas sa imbestigasyon na mga pekeng RT PCR result ang hawak ng mga ito at ayon sa kanila wala raw silang perang gagamitin para sumailalim sa RT PCR Test/Antigen kaya pumunta sila sa Metro Manila upang magpagawa ng pekeng resulta ng kanilang medical document.
Ayon naman kay P/Capt. Juan Carlos Recluta, station commander ng BCPO Marcos Highway, ang anim ay sumailalim sa RT PCR test kung saan nagpositibo sa COVID-19.
Sa kasalukuyan, ang anim ay nasa Triage Isolation Facility Pink house sa T. Alonzo, Baguio City at minomonitor ang kanilang kalagayan. Mhar Basco
211212 883948I dont believe Ive scan anything like this before. So excellent to locate somebody with some original thoughts on this topic. thank for starting this up. This web site is something that is necessary on the internet, someone with just a little originality. Very good job for bringing something new to the internet! 266129