6 TIKLO SA PEKENG LTO LICENSE

SA kulungan ang bagsak ng may-ari ng isang printing shop at limang iba pa dahil sa pag-iimprenta at pagbebenta ng pekeng driver’s license ng Land Transportation Office (LTO) sa Sta. Cruz, Maynila .

Kinilala ang mga naaresto na sina Neil Jadonet, 54-anyos, negosyante, nakatira sa No. 1697 CM Recto Avenue, Sta. Cruz; mga tauhang sina Orlando Dulay, 52-anyos; Christian Bejec, 28-anyos; Bernabe Grajo, 39-anyos; Dinalyn Coquia, 40-anyos; at Alice Braga, 30-anyos.

Pasado ala-6 kamakalawa ng gabi nang magkasa ng entrapment operation ang Manila Police District- Special Operations Unit sa printing shop ng mga suspek sa may Recto Avenue.

Ikinasa ang operasyon dahil sa isang sumbong na nagbebenta ang mga suspek ng pekeng driver’s license ng Land Transportation Office (LTO) o mas kilala na “talahib”.

Matagumpay na nakapagpagawa at nakabili ng pekeng lisensiya ang mga undercover buyer ng pulisya sa mga suspek dahilan para sila arestuhin.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang P500 marked money, isang pekeng driver’s license, 2 resibo, isang mobile phone at dalawang placards na gamit para matukoy ang dokumentong gagawin nila.

Kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o mas kilala na Falsification of Public Documents sa Manila City Prosecutors Office ang mga suspek. PAUL ROLDAN