UMAABOT sa P36 milyong halaga na shabu ang nasamsam sa anim na tulak sa isinagawang drug operations ng mga tauhan ng PDEA at pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Marikina City kamakalawa at kahapon ng umaga.
Isinailalim sa tactical interrogation ang magbukas na suspek na sina Alyssa Marie Merdegia y Banes, 22-anyos; at Ricky Macabandang y Sangkupan, kapwa residente ng Block-B no 45, Mais St. Brgy. Tumana sa nasabing lungsod.
Nasamsam sa magbilas na tulak ang limang kilo na shabu na may street value na P34 milyon.
Ayon sa police report, ikinasa ang buy-bust operation matapos ang isang buwang surveillance laban sa magbilas sa Paliparan St. sa harapan ng isang supermarket.
Samantala, isinagawa naman ang ikalawang anti- drug operation laban sa apat na durugista sa Carnation St. kung saan narekober ang dalawang kilong shabu na nagkakahalaga ng P2 milyon.
Kinilala ni P/Capt. Fernildo de Castro, chief ng Marikina Station Drug Enforcement Unit(SDEU) ang apat na suspek na sina Noel del Rosario y Vargas, 33-anyos ng #29 Carnation St., Libis Bulelak; Sonny Boy Manalili, 32-anyos ng Ilang-ilang St.; Ariel San Paschal, 38-anyos at si Sherelyn Saceda, 34-anyos, kapwa nakatira sa # 29 Carnation St., Brgy., Malanday sa nasabing lungsod.
Nakumpiska sa mga suspek ang 340 gramo na shabu na nagkakahalaga ng P2,312,000, digital weighing scale, P1,000 marked money, bag pack at drug paraphernalias. ELMA MORALES
Comments are closed.