RIZAL- NASAKOTE ang anim na magkakasabwat sa bentahan ng illegal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Cainta Municipal Police Station .
Narekober sa mga suspek kamakalawa ng hapon ang P40,000 halaga ng shabu sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas Isko, 54-anyos, driver, residente ng Pasig City; Liza, 48-anyos; Chris, 27-anyos, mekaniko; Clark, 28-anyos, delivery boy; Rodrigo, 29-anyos, construction worker at alyas Jerome, 24-anyos, na taga-Pasig City.
Ayon sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni Col. Felipe Maraggun, Director ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), nakipagtransaksyon ang isang pulis na umaktong buyer at naganap ang palitan ng droga na kung saan naka monitor ang Cainta Police. ELMA MORALES