6 TULAK NALAMBAT SA P578-K SHABU

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen Remus B Medina, ang pagkakahuli ng anim na drug suspects na nag­resulta sa pagkakum­piska ng Php578,000.00 halaga ng shabu sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operations sa Quezon City.

Ayon sa report ng Holy Spirit Police Station (PS 14) sa pamumuno ni Lt. Col. Jeffrey B Bilaro kinilala ang mga suspek na sina Junaid Mopum, 31-anyos; Remal Gaos, 33-anyos; Saad Saleling, 22-anyos; Asmawel Tuma, 32-anyos at Matitim Saed, 38-anyos na pawang nakatira sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ikinasa ang buy-bust operation dakong ala-1:30 madaling araw nitong Huwebes sa Garcia Compound, Brgy. Holy Spirit, Quezon City matapos ipagbigay-alam ng isang confidential informant ang kanilang mga iligal na gawain.

Nasamsam mula sa suspek ang 70 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php476,000.00, at ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.

Ayon sa imbestigas­yon, ang mga suspek ay kabilang sa Drug Watchlist ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Samantala, sa isinagawang buy-bust operation naman ng Talipapa Police Station (PS 3) sa pamumuno ni PLTCOL Alexander Barredo ay inaresto si Leonardo Oreta, 59-anyos, nakatira sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City, dakong 11:30 ng Miyerkules ng gabi sa Taurus St., Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Nakuha mula sa suspek ang mahigit kumulang 15 gramo ng shabu na nagkakahalagang Php102,000.00, isang cellphone, at ang buy-bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Binabati ko ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na buy-bust operations na nagresulta sa pagkahuli sa mga drug suspects at pagkakum­piska ng iligal na droga. Makakaasa po ang QCitizens na tuloy-tuloy po naming paiigtingin ang aming kampanya laban sa iligal na droga para sa ikakatahimik ng ating mahal na Lungsod,” ani Medina.

“The relentless effort of Team NCRPO’s operatives on the fight against illegal drugs in the region is highly commendable. I also encourage the public to cooperate with the authorities by reporting or providing us information that could lead to the apprehension of those involved in criminal activities.”

Said PMGEN Natividad.” ayon kay MGen Felipe Natividad, ang bagong talagang Regional Director ng National Capital Region Police Office. EVELYN GARCIA