60 ALAGANG BABOY MULA SARIAYA, QUEZON KINUMPISKA SA CHECKPOINT

Aabot sa 60 na alagang baboy ang kinumpiska ng  Department of Agriculture -Bureau of Animal Industry (DA-BAI) sa animal checkpoint sa Tandang Sora, Quezon City mula sa  Sariaya, Quezon na dadalhin sana sa Caloocan City dahil sa mga pekeng permits sa shipment nito.

“This is a border control measure set up  by the Department of Agriculture, in partnership with Quezon City  Government Office  through the City Vete­rinary Department and the Philippine National Police (PNP) to arrest the spread of the African Swine Fever (ASF),” ang sabi ng DA sa isang statement.

 Ayon sa BAI, ang mga dokumentong ipinakita sa checkpoint sa Tandang Sora, Quezon  City  ay  umanoy’ peke.

“BAI said documents presented at the Tandang Sora checkpoint  by the transporter allegedly from Sariaya, Quezon for slaughter in Caloocan  City were found to be fraudulent,” ayon sa BAI.

Ilan sa kuwestiyonable umanong dokumentong iprinisenta ay  ang Certificate of Free Status-African Swine Fever Clearance, peke umanong Local Government Unit Local Shipping Permits, at counterfeit veterinary health certificates.

“This seizure we hope will be the first and the last, should be a clear warning to unscrupulous  traders that we meant business.We cannot compromise public health, the viability of the local livestock industry, and the country’s food safety,”ang sabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Nagsasagawa na rin umano ng karampatang test sa  mga kinumpiskang alagang baboy  upang malaman kung negatibo ang mga ito sa ASF o kung maituturing itong condemned.

Naglagay ang DA ng mga checkpoint sa buong Quezon City at Valenzuela  upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at mapigilan ang pagkalat ng ASF sa mga alagang baboy sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia