60-ARAW NATIONWIDE ROAD CLEARING SINIMULAN NA

Eduardo Año

SINIMULAN na kahapon ng Department of Interior and Local Government (DILG)  ang 60 days nationwide road clearing .

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo M. Año , matapos ang walong buwang suspensiyon bunsod ng  COVID-19 pandemic ay ipinag-utos na ipagpatuloy na ang nakalatag na nationwide road clearing maliban lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at sa mga lugar na nanatiling lubog pa sa baha.

“The road clearing operations are needed to ensure orderliness as we revive local economies without being complacent against COVID-19. Our transition to the ‘new normal’ calls for the need to ensure that our roads remain safe, accessible, and free from illegal and potentially hazardous encroachments,” ani Año.

“Bagaman patuloy ang serbisyo publiko at mga inisyatibo para manumbalik ang sigla ng ekonomiya, buhay at kalusugan pa rin ang pinakamahalaga. Panatilihin ang disiplina sa pagsusuot ng face mask at face shield, i-sanitize ang mga kamay at dumistansya ng isang metro sa bawat isa,” paalala pa ng kalihim.

Dahil dito, pinaalalahan ng DILG ang lahat ng LGUs na sumunod sa pina-iiral na health safety protocol sa pagsasagawa ng  road clearing.

Alinsunod sa DILG Memorandum Circular (MC) No. 2020-145, ang mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) ay kailangang maipatupad ng husto ang pagpapaluwag at pagpapalinis ng mga lansangan. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “60-ARAW NATIONWIDE ROAD CLEARING SINIMULAN NA”

  1. 894686 752396This constantly amazes me exactly how weblog owners for example yourself can uncover the time and also the commitment to keep on composing fantastic weblog posts. Your internet site isexcellent and one of my own ought to read blogs. I simply want to thank you. 334833

  2. 614200 706066Interesting point of view. Im curious to feel what type of impact this would have globally? Sometimes people get just a little upset with global expansion. Ill be about soon to have a look at your response. 665853

Leave a Reply

Your email address will not be published.