60-ARAW PREVENTIVE SUSPENSION SA 3 PROSECUTORS

PINATAWAN ng 60-araw na preventive suspension ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang tatlong prosecutors na inimbestigahan dahil sa pagkakasangkot sa smuggling ng mga ginto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nabatid na pinangalan din sina Pasay City Prosecutor Benjamin Lanto, Inquest Prosecutor Clementine Villanueva, at Assistant Prosecutor Florencio dela Cruz ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa korupsiyon.

Ang tatlong prosecutors ay kinasuhan din  sa DOJ Internal Affairs Unit ng kasong gross neglect of duty, gross incompetence at inefficiency.

Nabatid na miyembro rin ang tatlo sa National Prosecution Service (NPS) na sinasabing nagpalaya sa mga suspek sangkot sa jewelry smuggling sa NAIA.

Noong Mayo 5, nabatid na sina NAIA customs operations officer Lomonto Macabando at mag-asawang  Abraham at Bangsa Mimbalawang ay inaresto sa tangkang pagpupuslit ng P3 milyon halaga ng mga gintong alahas sa NAIA.

Binigyan ng 10 araw ang mga naturang pro­secutors para maghain ng kanilang ” verified answers” sa Internal Affairs Unit ng NPS.

Sinabi rin ni Guevarra na ihahain ang reklamo sa Office of the Ombudsman  at ang DOJ internal investigation ay magpopokus sa aspetong administratibo ng kaso. ANA ROSARIO HERNANDEZ

 

 

 

Comments are closed.