60 CAB DRIVERS NAHULI SA OPLAN ISNABERO

TAXI

CAMP CRAME – BAGAMAN tapos na ang Holiday season patuloy ang Oplan Isnaberong driver ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Pahayag ni PNP-HPG Director, BGen. Dionardo Carlos na ang mga lugar kung saan nakasita ang kaniyang personnel ng mga pasaway na taxi driver ay mula sa Araneta Terminal sa Cubao, Quezon City.

Habang nagsagawa rin ng operasyon ng PNP-HPG sa isang bus terminal sa may Edsa sa Cubao at naaktuhan ang pitong driver.

Ang mga isnaberong driver ay tumatanggi sa pasahero, nangongontrata at nagtatanong pa kung saan ang destinasyon.

Sa kabuuan, umabot na sa 60 taxi drivers ang nasita ng PNP-HPG simula noong Disyembre 19 hanggang noong Biyernes, Enero 3.

Ang operasyon ng PNP-HPG ay may koordinasyon ng Land Transportation Office at iba pang law enforcement agencies. REA SARMIENTO

Comments are closed.