(60% complete na) MANILA COVID-19 FIELD HOSPITAL MATATAPOS NA

NASA 60% na ang natatapos sa itinatayong Manila COVID-19 Field Hospital sa Burnham Green area ng Luneta Park.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang konstruksiyon ng nasabing ang pagamutan ay alinsunod sa target na matapos sa loob ng 60 araw.

Si Moreno kasama sina City Engineer Armand Andres, City Architect Pepito Balmoris at City Electrician Randy Sadac ay nag-inspection kahapon sa lugar na pinagtatayuan ng ospital at inalam ang progreso ng kabuuan nito.

Natuwa naman si Moreno sa kanyang nasaksihan at tiniyak sa mga residente ng Maynila na matatapos ang field hospital sa itinakdang target at magiging bukas ito para sa lahat ng mga tinamaan ng sakit na COVID-19.

Nabatid na 24/7 ang pagtatayo ng field hospital na kung saan at nasa ikatlong linggo na at 60 percent complete kaya’t inaasahang matatapos ito targeted 60-day construction o maaaring mas maaga pa.

Gaya ng plano, kapag matapos ang field hospital at magsisilbi ito sa mga COVID-19 na mild at mo­derate cases upang mapaluwag ang six city-run hospitals at makapagpokus sa mga pasyenteng critical o severe condition na.

Ang mga asymptomatic naman ay dadalhin sa quarantine facilities upang i-isolate sa kanilang mga kasama sa bahay at upang hindi magkahawahan sa kanilang pamilya.

Ang pagamutan ay may lawak na 2.6-hectare lot at magtataglay ng 336 COVID beds sa kabuuan. Ito ay mula sa containers na ginawang hospital areas sa harap ng Quirino Grandstand malapit sa lugar kung saan naroroon ang free drive-thru swabbing center ng lungsod.

Idinagdag pa ng alkalde na ang field hospital ay kumpleto ng ambulansiya na may mahahalagang gamit at medical frontliners bilang pagsisiguro dahil ang mo­derate symptoms ay maaari ring mauwi sa severe cases.

Samantala, inanunsyo ni Moreno na tatanggap na ang may 8,700 city employees ng kanilang mid-year bonus sa Mayo 18 mula sa allocation ng lungsod na P350 million.

Sinabi pa ng alkalde na ang 700,000 pamilya sa lungsod ay tatanggap na muli ng kanilang food boxes sa isang linggo bilang bahagi ng food security program (FSP) ng lungsod. VERLIN RUIZ

5 thoughts on “(60% complete na) MANILA COVID-19 FIELD HOSPITAL MATATAPOS NA”

  1. 712742 955156Aw, this really is an extremely nice post. In thought I would like to put in location writing like this moreover – spending time and actual effort to create a great article but exactly what do I say I procrastinate alot by way of no indicates seem to get something accomplished. 546999

Comments are closed.