60 DAGDAG NA ISOLATION UNITS IBINIGAY NG DPWH

ILOCOS NORTE-UMAABOT sa 60 additional isolation rooms na pinondohan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para magamit ng mga pasyenteng may mild symptoms at asymptpmatic ang nai-turned over na sa Ilocos Norte provincial government.

Ito ang ikatlong bahagi ng isolation facility na ipinagkaloob ng DPWH sa nasabing lalawigan na kung saan ang unang bahagi ay 81 cubicles para sa CO­VID-19 patients ang naibigay noong nakalipas na taon habang ang 60 additional isolation units naman ay sa COVID-19 outbreaks.

Sa kasalukuyan, may 140 kama sa isolation facility ang provincial government na nasa DPWH property sa Laoag City at Takuat Center, San Nicolas kung saan ang mga pasyente ay nabibigyan ng libreng pagkain at medisina.

Nabatid na ang Governor Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital at Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center ay umaakyat na sa maximum capacity.

Sa paliwanag ni Provincial Quarantine Facility Consultant Dr. Rina Corpuz, kailangang nilang mag-undergo ng screening sa mga pasyente upang mapili kung sino ang kinakailangang ma-admit sa mga ospital.

Samantala, nagpasalamat naman si Governor Matthew Manotoc, kay DPWH Sec. Mark Villar sa ibinigay na additional isolation facilities kung saan nanawagan ito sa ilang local chief executives na maging bahagi ng “team effort” at hinikayat na magtayo ng kanilang pasilidad. MHAR BASCO

One thought on “60 DAGDAG NA ISOLATION UNITS IBINIGAY NG DPWH”

Comments are closed.