60-DAY ROAD CLEARING WALANG EXTENSION

Road clearing

QUEZON CITY – HINDI na palalawigin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanilang ultimatum na 60 araw para linisin ng mga alkalde ang kalsada.

Ito ang paglilinaw ni DILG Secretary Eduar­do Año at ipinaliwanag na sapat na ang kanilang ibinigay na 60 days para magawa ng mga alkalde sa Metro Manila ang kanilang hamon na linisin sa road obstructions.

Aniya, dapat ay maging mahigpit sila sa ibinigay nilang deadline sa mga alkalde para maipakita rin sa publiko na seryoso sila sa pagsasaayos ng bansa.

Giit ng kalihim, – ang mga alkaldeng hindi makakasunod sa mandato ng DILG kaugnay sa road clearing operations ay posib­leng masuspinde o matanggal sa puwesto. VERLIN RUIZ

One thought on “60-DAY ROAD CLEARING WALANG EXTENSION”

  1. 123983 926560Im not positive why but this weblog is loading incredibly slow for me. Is anyone else having this issue or is it a dilemma on my finish? Ill check back later and see if the dilemma nonetheless exists. 147551

Comments are closed.