AGUSAN DEL SUR –SA halip na ma-enjoy ang pagkaing inihanda sa oath taking ng sitio officer at civilian volunteer organization, nauwi sa trahedya ang event nang malason umano ang 60 dumalo sa Barangay San Isidro, Loreto.
Sinabi ni Chief Insp. Lucio Datahan, hepe ng Loreto-Municipal Police Station, inihayag nitong matapos ang oath taking dakong alas-8 ng nakalipas na gabi sa pangunguna ni Kapitan Roy Arguilles, ay nagsikain na umano ang mga dumalo.
Pagsapit ng madaling araw ay nagsimula nang sumakit ang ulo at sikmura ng mga nagsikain at dumanas ng pagsusuka kaya agad silang dinala ni Kapitan Arguilles sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga concerned official upang malaman kung alin sa mga pagkain ang dahilan ng food poisoning habang patuloy ring ginagamot ang iba pang biktima na matinding naapektuhan nito. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.