60 NEWLY HIRED IMMIGRATION OFFICERS IDE-DEPLOY SA NAIA

NAKATAKDANG  ipakalat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng Bureau of Immigration (BI) ang 60 newly hired Immigration Officers upang matugunan ang kakulangan ng BI personnel sa paliparan.

Ang naturang bilang ng immigration officers ay magtatapos ng kanilang month-long training on immigration laws, rules and procedures sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga sa katapusan ng buwang ito.

Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, malaki ang kanilang tiwala na mabibigyan ng solusyon ang problema sa kakulangan ng manpower ng BI personnel sa mga paliparan.

Ayon naman kay BI Port Operation Chief Atty. Carlos Capulong, ang personnel augmentation ay antisipasyon sa patuloy na pagdagsa ng mga international passenger.

Tumaas mula sa 4,000 sa 5,000 hanggang 17,000 to 20,000 na average passenger arrival bawat araw mula nang buksan ng pamahalaan ang mga border para sa mga foreign tourist.

Samantala, magsisimula na rin ang training ng next batch ng immigration officers sa Clark sa Hulyo.
F MORALLOS