60% ON-SITE WORK CAPACITY, KASADO SA BI

INANUNSIYO ng pamunuan ng Bureau of Immigration na tatalima ito sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kaugnay sa on-site work capacity sa kanilang mga tanggapan sa Metro Manila.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, itatakda nito sa kanilang mga tanggapan ang 60% on-site work capacity makaraang itaas ng IATF sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR).

“As an effect, all BI offices in NCR shall be operating during weekdays, and will observe a 60% on-site work capacity, while adopting applicable alternative work arrangements,” ayon kay Morente..

Nauna rito, nag-ooperate ang BI ng 50% at 70% skeleton workforce.

Inanunsiyo rin ni Morente na ang mga kanilang fully vaccinated clients ay mananatiling exempted mula sa BI’s online appointment system, subalit kinakailangan nilang ipakita ang kanilang vaccination cards o certification upang makapasok habang ang mga hindi bakunado ay kinakailangang mag-set ng appointment online.

Dinagdag pa ni Morente na ang mga dayuhan na nagre-report para sa Annual Report 2022 ay kinakailangang kumuha ng appointment via http://e-services.immigration.gov.ph/.

Ipinapatupad din ang mahigpit na pagsunod sa health and safety protocols kung makikipag-transaksiyon sa kanilang opisina. PAUL ROLDAN