UMAABOT sa 60 Police Community Precincts (PCPs) na nakatayo at nakahambalang sa bangketa ang target na demolisyon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) bunsod sa kautusan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang lansangan na humahadlang sa pampublikong daanan.
Sa nabanggit na bilang, 25 dito ang nagiba na, samantalang isusunod na ang 35 pang PCPs sa gigibain.
Sinabi ni NCRPO chief P/Director General Guillermo Eleazar na patuloy ang paggiba ng mga presinto na nagiging obstruction sa mga lansangan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Hindi umano tama na nakahambalang sa mga kalsada ang police precincts.
Ayon kay Eleazar, kanila na munang inumpisahan ang paggiba sa sarili nilang bakuran upang maging halimbawa sa kanila pang mga nakatakdang gibain na PCP sa Metro Manila.
Dagdag pa ni Eleazar, hindi naman agad niya ipinagigiba ang mga PCP na wala pang lugar na malilipatan upang mapanatili ang peace and order situation sa lugar na nasasakupan nito. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.