60 STUDES NAWALAN NG MALAY SA TINDI NG INIT

mainit na panahon

BATANGAS – NASA maayos na lagay na ang 60 estudyante ng Bauan Technical High School sa Bauan makaraang mag-collapse ang mga ito.

Ayon kay Bauan Mayor Bojie Casapao, pinaniniwalaang ang ma­tinding init ang dahilan ng pagkahimatay ng mga mag-aaral.

Mula sa iba’t ibang section ang mga estud­yante na pawang dinala sa Bauan Doctor’s Hospital at sa Bauan General Hospital.

Sinabi ni Casapao, lumahok sa earthquake drill ang mga mag-aaral ng paaralan at mayroon na ring mga estudyante ang nakaranas ng pagkahilo at nawalan ng malay kaya dinala rin sa ospital.

Ang iba sa kanila ay naging stable na ang kalagayan at pinayagan nang makauwi ng mga doktor.

Sa ngayon wala na munang klase sa Bauan Technical High School.

Magpupulong na rin ang Municipal Disaster Risk Reduction and Mana­gement Office ng Bauan bunsod ng insidente. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.