60 WI-FI FACILITIES SA SAN PEDRO LAGUNA, IPINAGAWA NI DAVE ALMARINEZ

AABOT t sa 60 Wi-Fi facilities ang ipinagawa ni San Pedro, Laguna Congressional candidate Dave Almarinez kung saan 27 barangay ang makikinabang.

Inilagay ang mga internet infrastructure na “Dave Almarines Wi-Fi Zone” na may internet speed na 50 hanggang 500 MVP’s sa mga pampublikong lugar gaya ng mga parke, covered courts, transport terminals at iba pa.

Ayon kay Almarinez, ito ay para mabilis na makarekober ang mga residente sa paglagapak ng ekonomiya bunsod ng pandemya sa COVID-19 kung saan marami ang makikinabang sa libreng Wi-Fi lalo na ang mga nasa delivery riders at ang mga maliliit na negosyante maging ang mga estudyante at guro sa libreng Wi-Fi para sa kanilang online class.

“Our Wi-Fi zones will give every resident of San Pedro free internet access to information and future digital opportunities. Ours are projects that are sustainable and beneficial to all sectors. Not only for us but for the next generation,” pahayag ni Almarinez.

Ikinatuwa naman ng mga residente ang proyektong ito ni Almarinez, isa na rito si Alma Belarmino, na walang sariling internet sa bahay.

“Sa totoo lang, nakakamangha ang dami ng proyektong dinala niya dito sa San Pedro. Hindi pa nakaupo pero ang dami ng proyekto,” pahayag ni Belarmino sa kanyang FB post.

Bukod sa libreng Wi-Fi, nagbigay rin ang asawa ni Ara Mina ng 20,000 na Moderna vaccines sa Local Government Units para mapabilis ang pagbakuna sa mga residente.

Si Dave Almarinez ay kumakandidatong kongresista ng San Pedro City, Laguna.