MAYNILA – PANIBAGONG buhay ang nag-aantay sa mahigit 600 na male inmates ng Manila City Jail makaraan silang magtapos sa vocational courses sa pamamagitan ng alternative learning system ng Department of Education (DepEd).
Bilang pagkilala sa tagumpay ng inmates ay nagsagawa ng simpleng graduation ang pamunuan ng City Jail na sinaksihan naman ng mga mahal sa buhay ng mga inmate.
Ilan sa mga kursong natapos ng mga inmate ay ang hilot and wellness kung saan tinuruan ang mga itong magmasahe habang may kurso rin tungkol sa baking.
Layon ng naturang programa na magkaroon ng pagkakakitaan ang mga inmate sa oras na makalabas na ito at makabalik sa lipunan. PAUL ROLDAN
Comments are closed.