$600-M PH LOAN APRUB SA WORLD BANK

WORLD BANK

INAPRUBAHAN ng multilateral lender World Bank ang bagong  project loan para sa Filipinas bilang suporta sa pagsisi-kap ng pamahalaan na tulungan ang mahihirap na pamilya na apektado ng COVID-19 pandemic.

Sa isang statement, sinabi ng World Bank na inaprubahan ng board executive directors nito ang $600-million loan para sa  “Beneficiary FIRST Social Protection Project” ng bansa.

Layon ng proyekto na magkaloob ng tuloy-tuloy na suporta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ipatupad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at isulong ang Fast, Innovative, and Responsive Service Transformation (FIRST) para sa mga benepisyaryo.

Ayon sa World Bank, may apat na milyong pamilya ang inaasahang makikinabang sa loan-funded project na naglalayong protektahan ang kapakanan ng mahihirap na pamilya na naapektuhan ng COVID-19 crisis

“We are pleased to support the government’s efforts to sustain social protection for the poor and most vulnerable families,” sabi ni Ndiamé Diop, World Bank country director for Brunei, Malaysia, Philippines and Thailand.

“These efforts are critical to ensure that their children can remain in school and stay healthy as the country takes measures to control this pandemic. In these difficult times, cash transfers to the poor and vulnerable indirectly support local economies and boost prospects for recovery,” aniya.

Sinabi ng World Bank na sumusuporta ito sa 4Ps sa nakalipas na dekada.

Comments are closed.