BATAAN – HALOS isang bilyong dolyar ang ibinubuhos para sa pagtatayo ng 600-Megawatt Thermal Power plant sa lalawigang ito para madagdagan ang suplay ng enerhiya sa bansa.
Pinagunahan ni Bataan Provincial Governor Albert Garcia ang paglagda ng kasunduan sa pagitan ng isang Korean Based Company.
Ayon kay Chris Takayama, Chief Finance Officer ng HJGMI, ang naturang proyekto na nagkakahalaga USD 1 billion ay kaya umanong makalikha ng 10,000 hanggang 20,000 trabaho (manggagawa) sa sandaling magsimula ang konstruksiyon nito sa loob ng tatlo hanggang limang taon. ROEL TARAYAO
Comments are closed.