$600 MILLION INFRA INVESTMENTS

TOKYO, Japan- AABOT sa $600 million infrastructure investment ang pangako ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan at ang leading Japanese investor na Mitsui & Co. kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Inihayag ni Pangilinan ang pledges sa isang dinner meeting noong Miyerkoles, Pebrero 8, sa Pangulo na nasa 5-day working visit sa Japan.

“We signed an agreement with Mitsui and several parties and management to commit to invest $600 million in the infrastructure,” ayon kay Pangilinan.

Samantala, tinitingnan din ng Mitsui & Co. ang mga pamumuhunan sa mga prayoridad na sektor ng administrasyon ni Pangulong Marcos, partikular sa agrikultura, impraestruktura at renewable energy.

Pinuri rin ng Mitsui si Pangulong Marcos para sa kanyang “malakas na pamumuno” sa pamamahala sa ekonomiya at nangako ng karagdagang pakikipagtulungan sa mga negosyo sa Pilipinas.

Tiniyak ng Mitsui na magpapatuloy ang “exploring the possibility of further collaboration with the Philippines in business areas of mutual interest, “ kabilang ang pagkain at agrikultura, renewable energy at digital transformation.

Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga Japanese firms sa kanilang tulong sa Pilipinas para sa malawak na pagpapaunlad.

“And it is a particularly auspicious time that we come again now simply because we have to now restart our own economies, we have to transform our economies, and again the partnerships I think that we have developed with our friends here in Japan, with Mitsui in particular… we will have to revitalize them as they have been dormant, to a degree, during the lockdowns of the pandemic,” giit ni Pangulong Marcos.

EVELYN QUIROZ