CAMP CRAME – NASA 600 katao na umano’y sangkot sa anomalya sa Social Amelioration Program (SAP) ang inireklamo sa PNP Criminal Investigation and Detection Group.
Sa ulat ng PNP CIDG, kabuuang 421 complainants ang dumulog sa iba’t ibang tanggapan nila nationwide para ireklamo ang 600 mga probable suspects dahil sa anomalya sa distribusyon.
Sa mga inireklamo, 256 na ang nakasuhan, 126 ay naisampa na sa korte, 66 ay under investigation pa rin, 7 ay readied for filing, 4 ay ini refer sa ibang ahensya at 32 ay hindi na naisampa ang kaso dahil sa mga valid reasons.
Pinakahuling nasampahan ng mga kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Bayanihan to Heal as One Act at Law on Reporting of Communicable Diseases ay ang syam na Brgy officials, pitong Brgy Health Workers (BHW) ng Brgy. Ambaracao Norte sa San Fernando City.
Nasampahan rin ang Punong Barangay at 5 Brgy Officials ng Brgy. Guesset at Punong Brgy, 9 Brgy Officials, at 5 BHW ng Brgy Gusing Sur, sa Naguillan, La Union.
Sa imbestigasyon ng CIDG pinakialaman ng mga ito ang listahan ng SAP beneficiaries para maisama ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan kaya nakatangap ng government cash aid. REA SARMIENTO
Comments are closed.