BALIK-BANSA mula Kuwait ang 600 overseas Filipino workers (OFWs) kahapon.
Ito ang inanunsiyo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang bahaging ito ng nasa 5,000 OFWs na mula sa Kuwait sa nasabing middle east country.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, ang mga nasabing OFWs ay na-stranded sa Kuwait dahil sa naka-lockdown ang nasabing middle east country bunsod ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Dalawang flight ang inilaan ng Philippine government para maiuwi ang 600 na OFWs.
Samantala, nasa 5,000 OFWs na na-stranded sa Metro Manila ang tinulungan ng Department of the Interior and Local Government at Department of Transportation para mapauwi na ang mga ito sa kani-kanilang tahanan sa Visayas at Mindanao.
Ang mga OFW ay nakatapos na ng 14-day quarantine at pawang negatibo sa COVID-19. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM