MAGTATALAGA ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) bilang Board of Election Inspectors (BEIs) sa mga peligrosong lugar na pinangangambahang magkakaroon ng election related violence.
Nabatid na sinasanay na ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang may 600 pulis para magsilbing BEIs.
Ito ay bilang paghahanda sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections sa darating Oktubre 30.
Nabatid na itatalaga napiling pulis sa Bangsamoro Autonomous Region kung saan karamihan ng lugar ay inilagay sa red category dahil sa mga kasaysayan ng karahasan.
Sinasabing ito ang napagkasunduan ng Comelec at PNP sakaling may mga guro na hindi darating para magsilbing BEIs dahil sa takot o banta sa kanilang mga seguridad.
Kaugnay nito, todo paghahanda na ang ginawa ng PNP at maging ng kanilang counterparts sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matiyak na magiging mapayapa at maayos ang pagdaraos ng BSKEs sa bansa.
Samantala tuloy tuloy rin ang information campaign ng Comelec at Department of Interior and Local Government (DILG) upang masawata ang vote buying at vote selling .
VERLIN RUIZ