6,000 KILOS NG BASURA NAKOLEKTA SA BAYWALK

NAGSAGAWA ng clean-up operation ang Pasay City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa baywalk malapit sa Cultural Center of the Philippines (CCP) kung saan nakasamsam sa operasyon ng 5,834 kilo ng basura sa pampang.

Napag-alaman sa lokal na pamahalaan na ang pagsasagawa ng clean-up operation ng team ng CENRO ay kaugnay sa selebrasyon ng International Coastal Clean-up Day.

Ayon naman kay CENRO supervising administrative officer Ronald Rey “RR” Salvador, pitong garbage trucks ang ginamit sa paghahakot ng basura na nakolekta sa isinagawang clean-up operation.

Sinabi ni Salvador na gumamit ang lokal na pamahalaan tatlong trash traps upang mapigilan na makapasok ang mga basura na manggagaling sa mga kalapit lungsod at probinsiya na Cavite at Bataan.

Ang kalimitang lugar na isinasagawa ang CENRO sa kanilang clean-up operations ay ang apat na esteros o ilog at sa Manila Bay upang mapigilan ang pagbabaha sa lungsod.

Idinagdag pa ni Salvador na dalawang pumping stations na matatagpuan sa Libertad Street at Don Carlos Revilla Village ang sumasala sa mga basura.

Ang lungsod ay mayroon din na retarding pond na matatagpuan naman sa Aurora Boulevard kung saan ang creek at estero o ilog ay magsasalubong bago dumaan sa Paranaque River patungo ng Marikina Bay.MARIVIC FERNANDEZ

4 thoughts on “6,000 KILOS NG BASURA NAKOLEKTA SA BAYWALK”

  1. 184364 470281Maintain up the amazing piece of function, I read couple of posts on this internet site and I believe that your weblog is actually intriguing and holds bands of great info. 556342

Leave a Reply

Your email address will not be published.