DAVAO CITY –DINISIPLINA ng lungsod na ito ang 6,000 katao na lumabag sa anti-smoking ordinance habang 311 naman ang lumabag sa liqour ban ordinance ngayong taon.
Batay ito sa datos ng Vises Regulations Unit (VRU) ng lungsod at ang nasabing bilang ay ang mga taong nakatanggap ng citation ticket dahil sa mga nagawang paglabag.
Umabot naman sa 47 establisimiyento ang nakalabag sa anti-smoking ordinance at ligour ban kaya kinansela ang kanilang business permit.
Ayon sa enforcer na si Ramon Fernandez, karamihan sa mga lumabag ay ang mga first-timer at mga dayuhan, ngunit nang abisuhan na maaaring ma-deport sila sa pagbalewala sa mga ipinapatupad na ordinansa sa lungsod ay saka pa tumino. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.