(6,008 na naka-confine  inaasahang gagaling) 30 PASYENTE NADAGDAG SA RECOVERIES NG COVID-19

covid-19

MAYNILA-TATLUMPUNG pasyente pa ng coronavirus disease (COVID-19) ang nadagdag sa mga nakarekober na pasyente kaya nasa 792 na ang bilang ng mga gumaling at napauwi na sa kani-kanilang mga tahanan mula sa hospital confinement.

Batay Department of Health (DOH) Case bulletin number 42, naitala naman ang karagdagang 102 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na magdamag.

Batay sa 4pm update ng DOH  kahapon, Abril 25, umabot na sa 7,294 ang kabuuang COVID-19 cases na kanilang naitatala.

Sa nasabilang bilang, 6,008 pa ang kasalukuyang naka-admit sa iba’t ibang pagamutan matapos na makapag-admit ng bagong 101 pasyente.

Gayunman, ang bilang ng mga pasyenteng namatay dahil sa sakit ay nadagdagan rin ng 17 kaya’t umabot na sa 494 ang naitatalang CO­VID-19 deaths sa bansa. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.