DUMATING sa bansa ang 600,000 doses ng AstraZeneca vaccines na binili ng pribadong sektor.
Pasado alas-9 ng umaga ng Biyernes dumating sa NAIA terminal ang AstraZeneca vaccines sakay ng China Airlines flight.
Sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. ang pagdating ng bagong batch ng AstraZeneca vaccines na ang 80% ay mapupunta sa LGUs sa labas ng Metro Manila at 20% ang pakikinabangan ng private sector.
Samantala, inaasahang darating ngayong weekend o sa susunod na linggo ang panibagong suplay ng Sputnik V vaccines mula Russia.
Ayon kay Galvez, ang dagdag na 190,000 doses ng Sputnik V ay para sa second dose inoculation.
Ipinabatid pa ni Galvez ang pagdating ngayong buwan ng 1M doses ng Sputnik light vaccines na isang beses lamang ituturok. DWIZ882
Comments are closed.