MAHIGIT sa anim na daang libong doses ng US made Moderna vaccines ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon sakay ng China Airlines flight CI 701 via Taipei.
Ayon sa report, nakalagay sa apat na pallets ang aabot sa 682,360 doses ng Moderna vaccines ang sinalubong nina Engr. Maxime Adan ng Department of Health (DOH), Dr. Ted herbosa ng NTFOPAPP at Janet Jakoslem ng Zuellig Pharma.
Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, sinabi ni Herbosa na ang dumating na vaccines ang siyang gagamitin booster shots sa mga medical frontliner at mga minor de edad mula 12 hanggang 17.
Ayon kay Herbosa, sa kasalukuyang umaabot na sa 12,383,000 milyon doses ng Moderna vaccines ang dumating sa bansa at sa naturang bilang 3,151,160 milyon doses ay binili ng pribadong sektor.
Ang mga vaccines ay nakalagak sa isang cold storage facility sa Parañaque City at mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ng NAIA
Dagdag pa ni Herbosa, sa pamamagitan ng karagdagan vaccines ay inaasahan nang matuturukan ang tinatayang aabot sa 15 milyon Pilipino sa darating na Nobyembre 29 at Disyembre 1 vaccination day.
Bukod sa Moderna, inaasahan sa araw ng Miyerkules ang arrival ng 700,000 doses ng AstraZeneca vaccines na donasyon ng Autralian government na lulan ito ng Cathay Pacific Airlines via Hongkong. FROILAN MORALLOS