60K SAKO NG IMPORTED RICE NAIDISKARGA NA SA NEGOCC

rice

MAHIGIT na 60,000 sako ng bigas na inang­kat ng National Food Authority (NFA) ang naidiskarga na sa BREDCO port sa Bacolod City kamakailan.

Sinabi ni Marianita Gellecanao, assistant manager of NFA-Negros Occidental, na ang dami ng naidiskargang sako ng bigas ay nasa 60-porsiyento na para makompleto.

Sinabi ni Gellecanao na karamihan sa naidiskargang 60,657 sako ng bigas ay itinago muna sa dalawang warehouse ng siyudad.

Ang stocks ay bahagi ng 100,000 sako ng bigas na galing sa Thailand na dumating sa probinsiya lulan ng MV Inlaco Express noong Nobyembre 23.

Sinabi ni Gellecanao na ang 1,500 sako ay nailipat na sa NFA warehouse sa San Carlos City sa timog habang ang 1,000 sako naman ay naideliber na sa warehouse sa bayan ng Ilog sa bandang hilaga.

Naihanda na ng NFA-Negros Occidental na sa ilalim ng normal na lagay ng panahon, makokompleto ang pagdidiskarga pag-dating ng Disyembre 5.

Ang dumating na stock na imported rice stocks  ay bumubuo ng pangalawang alokas­yon para sa probinsiya ngayong taon. Ang una, na nag-total ng 80,000 sako ay dumating noong Hulyo.

Sinabi ni Gellecanao na magsisimula nang mamahagi ang NFA-Negros Occidental ng bagong buffer stocks sa mga accredited retail outlet sa susunod na linggo.

Sa pagdating ng dagdag na stock ng bigas, puwede na silang magsimula na magdagdag ng ipamamahagi ng 20 hanggang 50 sako mula sa dating 5 hanggang 10 sako lamang bawat tindahan – sa mga major at non-traditional markets, dagdag niya.   PNA

Comments are closed.