NUEVA VIZCAYA – IDINEKLARA ang dengue outbreak sa bayan ng Villaverde sakop ng lalawigang ito.
Ayon kay Mayor Ronelie Valtoribio, ang pagtaas ng dengue cases ay naitala sa Barangay Cabuluan ng nasabing bayan simula pa noong ikatlong linggo ng Mayo.
Batay sa datos ng Municipal Health Office, pumapalo sa nasa 61 cases ang naitatala sa nasabing lugar.
Ayon sa mga Barangay official, ang mga kaso ay dumami dahil sa mga malalakas na pag-ulan nitong nakalipas na mga linggo.
Karamihan sa mga tinamaan ng sakit ay mga bata kabilang ang anak ng isang barangay official.
Sa ngayon, puspusan ang maigting na preventive measures at information dissemination ng barangay leaders upang mapigilan ang pagdami pa ng mga kaso.
EUNICE CELARIO