MAY 61 porsiyento ng mga Pinoy ang hindi pabor sa pag-aasawa ng lalaki sa kapwa lalaki o kaya naman ay ang babae sa kapwa babae.
Lumabas ito sa resulta ng SWS survey na ginawa noong Marso 23 hanggang 28 gamit ang 1,200 respondents. Umaabot sa 44 porsiyento ang nagsabi na sila ay matinding tumututol o “strongly disagree” sa same-sex marriage.
Ang natitirang 17 porsiyento naman ang nagsabi na sila ay “somewhat disagree”.
Kamakailan ay naging sentro ng mga talakayan ang oral argument sa Supreme Court sa petisyon ng ilang grupo ng gustong gawing legal ang same-sex marriage sa bansa.
Comments are closed.