61 SUGATAN SA ROAD ACCIDENTS

ACCIDENT

NEGROS OCCIDENTAL – UMABOT sa 61 katao ang nasugatan sa  magkahiwalay na sakuna sa lansangan na kinasasangkutan ng dalawang passenger buses sa Benguet at Neg­ros Occidental.

Sa ulat ng Benguet PNP may 45 katao ang nasaktan matapos na bumangga ang sinasakyan nilang bus sa poste ng kor­yente sa Atok, Benguet, Miyerkoles, May 1 ng hapon.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office – Cordillera, nawalan ng kontrol ang driver ng Rising Sun Bus na si Regan Ginoban at bumangga ito sa poste sa Barangay Caliking.

Agad isinugod sa Benguet General Hospital ang mga sugatang pasahero, 15 rito ang malubhang nasugatan habang pinayagan namang makauwi ang iba.

Nagresulta naman sa may 10 oras na brownout sa mga sineserbisyuhang lugar ng Benguet Electric Cooperative Inc., (BENECO) ang aksidente.

Samantala, 21 katao ang sugatan ng  magkasalpukan ang isang passenger bus at SUV sa Barangay Sampinit sa lungsod Negros.

Sugatan ang 19 pasahero ng bus, ang driver ng SUV at konduktor ng bus.

Ayon sa Vallacar Transit, operator ng bus company, na walang kasalanan ang driver ng bus dahil sila ang binangga. Sinubukan din ng bus driver na maiwasan ang SUV.

Sinagot ng bus company ang gastos sa pagpapagamot ng mga nasugatang mga pasahero. VERLIN RUIZ

Comments are closed.