CAMP CRAME – KINATAWAN ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa si PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde bilang guest speaker sa pagdiriwang ng ika-61 founding anniversary ng Logistics Support Service (LSS) kahapon.
Ang tema ng pagdiriwang ay “Patuloy na Pagsulong ng Modernong Kagamitan Para sa Mabilis na Pagtugon ng Pambansang Pulisya.”
Ang LSS ay naitatag noong 1958, na ngayon ay pinamumunuan ni PBGen Restito Gatera, bilang director, ay nagpamalas ng kanilang pagsisikap at pagpapalakas ng kanilang serbisyo at suporta sa lahat ng PNP units at iba pang tanggapan para sa professionalized at well-maintained public service.
Nakatanggap na rin ng iba’t ibang award ang mga tauhan nito dahil sa kanilang magagandang serbisyo. EUNICE C.
Comments are closed.