INIULAT ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 4,478 bagong kaso ng COVID-19 cases sa bansa araw ng Miyerkoles.
Batay sa case bulletin no. 501 na inilabas ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na ngayon sa kabuuang 1,566,667 ang total COVID-19 cases sa bansa.
Sa naturang bilang, 3.5% na lamang o 54,552 ang nananatiling aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kasama ang 93.4% na mild cases, 2.3% na severe, 1.64% na moderate, 1.4% na critical at 1.2% na asymptomatic.
Anang DOH, mayroon namang naitalang 6,149 mga pasyente na bagong gumaling sa karamdaman kaya’t umaabot na ngayon sa 1,484,714 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 94.8% ng total cases.
Samantala, nakapagtala pa ang DOH ng 84 pang pasyente na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19 kaya’t umaabot na sa 27,401 ang COVID-19 death toll ng Pilipinas o 1.75% ng total cases.
Ayon sa DOH, mayroon din namang 231 duplicates silang inalis mula sa total case count.
Sa naturang bilang, pito ang recoveries at isa ang patay.
Mayroon din anilang 53 kaso na unang na-tagged bilang recoveries ngunit malaunan ay nakumpirmang namatay na ang mga ito sa isinagawang pinal na balidasyon.
Kaugnay nito, nagbigay naman ng paglilinaw ang DOH hinggil sa mababang bilang ng mga kasong naitala nitong Miyerkules at mataas na bilang ng mga kaso na naitala noong Martes, Hulyo 27.
“The low number of cases reported today was due to the 9PM extraction done the day prior, not the usual 1PM. Because of that, there were some cases reported yesterday that should have been included in the case counts today,” anang DOH. Ana Rosario Hernandez
828108 889077I believe this internet internet site has extremely superb composed subject material articles . 753619
485052 158207Glad to be 1 of a lot of visitants on this awesome web site : D. 328295
934744 625802You completed a number of nice points there. I did a search on the concern and discovered practically all individuals will have the same opinion together with your blog. 424984
244688 475354You might be websites successful individuals, it comes effortlessly, therefore you also earn you see, the jealousy of all of the ones lots of journeymen surrounding you can have challenges within this challenge. motor movers 983610
453533 414998Your talent is really appreciated!! Thank you. You saved me plenty of frustration. I switched from Joomla to Drupal towards the WordPress platform and Ive fully embraced WordPress. Its so much easier and easier to tweak. Anyway, thanks once more. Awesome domain! 127361